SlideShare a Scribd company logo
Filipino 6
Filipino – Ikaanim na Baitang
Unang Markahan – Modyul 1: Nasasagot ang mga Tanong tungkol sa
Napakinggang/Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-impormasyon at
Usapan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Komite sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Sheena Joye S. Abuan
Editor: Normita C. Supsupin
Tagasuri: Normita C. Supsupin ( Nilalaman ), Vilma V. Paulino (Teknikal
Tagaguhit: Sheena Joye S. Abuan
Tagalapat: Sheena Joye S. Abuan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Filipino
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Nasasagot ang mga Tanong tungkol sa Napakinggang/Nabasang Pabula,
Kuwento, Tekstong Pang-impormasyon at Usapan
6
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Modyul para sa araling
nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula, kuwento,
tekstong pang-impormasyon at usapan.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 6 Modyul ukol sa Nasasagot ang mga tanong
tungkol sa napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon
at usapan.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
Magandang araw!
Sa modyul na ito’y, inaasahang masasagot ang mga tanong tungkol sa
napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at
usapan.
Nilalayon rin ng modyul na ito na lubos mong maunawaan ang aralin
at masasagot nang wasto ang mga nakalaang katanungan o pagsasanay
upang mas lalong maging ganap ang iyong pag- aaral sa araling ito.
Ano, handa ka na ba?
Kumusta ka na? Handa ka na ba sa ating bagong aralin? Bago tayo
magsimula, mayroon akong ipababasa na maikling kwento tungkol kay daga
at leon. Sana’y magustuhan at maunawaan mo ang kwentong ito.
Ang Daga at ang Leon
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ito. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.
Nagpaumanhin ito at sinabing di sinasadya na gambalain ang pagtulog
ng leon. Nakatuwaan lang na maglaro sa likuran ng leon at walang
masamang hangarin.
Nagmakaawa ang daga na huwag siyang kainin ng leon. Sa awa ng leon ay
pinatawad niya ito.
Lumipas ang maraming araw, at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
MGA INAASAHAN
PAUNANG PAGSUBOK
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng nangangaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na
nakatali sa lambat. Agad itong naputol at bumagsak ang lambat kasama
ang leon. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala
sa lambat.
Pinasalamatan ni leon ang kaibigang daga dahil sa pagligtas nito sa
kanyang buhay.
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Saan naglaro ang daga?
A. Sa ibabaw ng natutulog na leon.
B. Sa ibabaw ng malaking banga ng tubig.
C. Sa malaking puno ng manga.
D. Sa loob ng kwebang madilim.
2. Ano ang ginawa ng leon sa daga pagkagising?
A. Sinakmal at hinawakan sa buntot na waring isusubo.
B. Nag-away ng matindi.
C. Nagkwentuhan
D. Naglaro
3. Paano siya nito pinatawad?
A. Humingi siya ng paumanhin at patawad kay leon.
B. Nangakong itong hindi na magpapakita pang muli.
C. Nagpakita ng masarap na pagkain si daga.
D. Naglaban silang dalawa.
4. Paano nakatakas si leon sa pagkakabitag sa kanya?
A. Pinakawalan siya ng mga mangangaso.
B. Pinaikot-ikot niya ang kanyang sarili.
C. Nginatngat ni daga ang lubid.
D. Binaril ito ng mga tao sa gubat.
5. Kung ikaw si daga , gagawin mo din ba ang kanyang ginawa?
A. Hindi po
B. Opo
C. Siguro po
D. Hindi ko po alam
Ano-anong uri ng kwento ang inyong naaalala? Alin sa mga kwento na
inyong nabasa ang pinakapaborito mo? Bakit mo ito nagustuhan?
Mayroon ka bang kwento na natatandaan na ang gumaganap ay ang
mga hayop? Magbigay ka nga ng ilan sa mga pamagat ng kwento na iyong
nabasa?
Naaalala ninyo pa ba kung ano ang pabula?
Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang
mga hayop o mga bagay na walang buhay ay gumaganap na parang tao at
nagbibigay ng aral para sa mambabasa.
Sino-sino ang iyong mga kaibigan? Sino naman sa kanila ang
itinuturing mong matalik mong kaibigan? Ilarawan siya.
Paano mo naipapakita ang pagiging isang mabuting kaibigan?
Ngayong araw ay may babasahin akong isang pabula na may pamagat
na, “Ang Tipaklong at Ang Paruparo”. Bago ko basahin ang kwento, ano nga
ang dapat nating tandaan habang tayo ay nakikinig sa binabasang kwento?
Tama! Makinig ng mabuti at unawain ang pinapakinggang kwento.
Magsulat din ng mga mahahalagang pangyayari na naganap sa kwento.
Simulan ko na ang pagbabasa.
( Pagbasa ng guro ng isang maikling kwento)
Ang Tipaklong at Ang Paruparo
Isang araw, naaksidente sa paglipad ang tipaklong at ito ay bumagsak.
Nawalan ito ng malay kaya’t agad siyang tinulungan ng paruparo nang
makita siya nito.
Ang langgam noon ay nagmamartsa pauwi kasama ang kanilang reyna
at hari. Ang isa sa mga sundalong langgam ay tumawag sa kanilang kolonya
ng doktor.
BALIK-ARAL
ARALIN
Nang makita ng doktor na langgam si tipaklong ay sinabing hindi
malubha ang kanyang kalagayan. Sana ay gumaling na ito sa ibinigay niyang
lunas.
Nang marinig iyon ng paruparo ay para itong nabunutan ng tinik.
Hinintay niyang magising ang kaibigan na nawalan ng malay.
Nang magbukas ang mga mata ng tipaklong, nagulat ito ng makita ang
paruparo sa kanyang tabi na nagbabantay. Kinuwento ng paruparo ang lahat
ng nangyari sa tipaklong at siya ay nagpasalamat.
Tumanaw ito ng utang na loob lalo’t nagawa pa nitong tumawag ng
manggagamot sa kanya. Naghapunan ang dalawa at nagpaalam sa isa’t-isa.
Nangako ang dalawa na magkikitang muli.
Nang pauwi na ang paruparo, nasalubong niya ang sundalong langgam
na sumaklolo sa tipaklong. Sinabi ng langgam na mamamatay na sa gutom
ang kaniyang pamilya.
At dahil naramdaman ng paruparo na dapat matulungan niya ang
langgam, dinala niya ito sa kanyang tahanan. Umupo naman ang langgam sa
hapag kainan.
Habang nasa kusina ang paruparo, binuksan niya ang kanyang
lalagyan ng mga naipong nektar noong tag-araw. Ibinigay niya ito sa langgam.
Tuwang-tuwa ang sundalong langgam at nakiusap itong buksan ang
tsimineya para agad nang maluto ang nektar sa lalagayan at maging asukal.
Ginamit rin ng sundalo ang telepono para tawagin ang iba pang
langgam para may katulong ito sa pagdadala ng naluto pabalik ng kanilang
kaharian.
Nang makarating ang mga ito ay pinainom pa ng paruparo ang mga
langgam na uhaw na uhaw sa pagmamartsa. Ang lahat ng langgam ay
nagpasalamat nang buong puso kay paruparo.
Suriin Mo:
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Ano ang nangyari kay tipaklong?
3. Paano tumulong si langgam kay tipaklong?
4. Kung ikaw si paruparo, ibibigay mo ba ang nektar na iyong naipon?
Bakit?
5. Anong aral ang napulot mo sa kwento?
Napakahusay! Alam kong ikaw ay nakinig at naunawaan ang
napakinggang kwento.
Base sa mga nasagutan ninyong mga katanungan mula sa
napakinggan ninyong pabula, ano-ano ang pamamaraan ang inyong ginawa
para makasagot sa aking mga ibinigay na katanungan?
Magaling! Talagang tunay kang nakikinig.
Mayroon pa ba kayong mga katanungan?
Kung talagang wala na kayong mga tanong, susubukin ko kung
naunawaan ninyo ang mga naganap sa pabula na inyong napakinggan.
Mayroon akong dalawang pagsasanay na ibibigay. Basahin nang mabuti ang
panuto sa ibaba.
Gawin Mo:
A. Panuto:
Tukuyin kung sino sa mga tauhan sa pabula ang nakagawa ng mga
sumusunod pangyayari. Isulat sa patlang kung ito ay si paruparo,
tipaklong o langgam.
________ 1. Aksidenteng bumagsak habang lumilipad.
________ 2. Nagmamartsa pauwi kasama ang kanilang hari at reyna.
________ 3. Doktor na gumamot kay paruparo.
________ 4. Nagbigay ng nektar kay langgam.
________ 5. Nagpainom sa mga sundalong nauuhaw.
B. Panuto:
Sagutan ang mga tanong ayon sa napakinggan ninyong kwento.
Bilugan ang titik ng may tamang sagot.
1. Ano ang ginawa ng paruparo ng nakita nilang bumagsak at nawalan
ng malay si tipaklong?
A. Lumipad pauwi. C. Tinulungan at ginamot.
B. Nagtatalon sa tuwa. D. Dinala sa ospital.
MGA PAGSASANAY
2. Sino ang kasama ng langgam na nagmamartsa pauwi sa kanilang
tahanan?
A. Ang hari at reyna C. Ang kaibigang paruparo
B. Ang mga kalaro D. Ang mga sundalo
3. Ano ang naramdaman ni langgam ng binigyan siya ng nektar?
A. Naiyak B. Natuwa C. Nalungkot D. Natakot
4. Ano ang ginamit ng sundalong langgam para masabihan niya ang
ibang kasamahan na tulungan siya sa pagdadala nilutong nektar?
A. Nagpadala ng mensahe gamit ang ibon.
B. Tinawagan niya ang kasama gamit ang telepono.
C. Sumigaw ng pagkalakas-lakas.
D. Gumamit ng mikropono.
5. Paano nagpasalamat ang mga langgam kay paruparo?
A. Lumuhod C. Taimtim na nagdasal
B. Naglinis ng bahay D. Buong-puso
Subukin Mo:
Panuto: Basahin ang maikling kwento at sagutan ang mga tanong sa ibaba.
Isulat ang titik ng may tamang sagot.
Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa
Dahil nag-iisang anak, malapit sa mga hayop si Maymay.
Mayroon siyang aso at pusa – sina Bruno at Kuting. Subalit, hindi alam
ng bata na may tinatagong galit at inggit pala si Bruno kay Kuting.
Isang araw, nadatnan na lang ni Maymay na maraming pasa si
Kuting. Nagalit siya kay Bruno at pinarusahan ito. Ang pusa naman ay
parang walang alam na may kasalanan rin siya. Sinuyo niya ang aso
noong umalis ang bata at ang nanay niya.
Mga Tanong:
1. Sino ang nag-iisang anak na may alagang aso at pusa?
A.Maymay B. Mae C. Kuting D. Bruno
2. Ano ang pangalan ng alaga niyang aso?
A. Kitty B. Kuting C. Tagpi D. Bruno
PAGPAPAHALAGA
3. Sino ang may itinatagong galit at inggit kay Kuting?
A. Maymay B. Nanay C. Bruno D. Tatay
4. Bakit nagalit si Maymay kay Bruno?
A. Maraming pasa si Kuting C. Lumabas siya ng bahay
B. Kinain niya ang ulam sa mesa D. Umihi sa sahig
5. Tama ba na suyuin ni si Bruno dahil ito ay naparusahan?
A. Oo B. Hindi C. Di alam D. Hahayaan na lang
Paano natin masasagutan ang mga tanong tungkol sa
napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at
usapan. Lagyan ng ✓ kung tama at X kung hindi.
1. Tandaan ang mga importanteng detalye sa kwento
2. Ang wastong pakikinig at pagbasa ng kwento ay makakatulong sa
pagkaunawa nito.
3. Mainam na alamin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa
bawat pabula o teksto.
4. Hindi kailangang tandaan ang mga tauhan sa kwento.
5. Bigyan ng halaga ang mga aral na natutunan at mga impormasyong
nabasa o napakinggan.
Panuto:
Sagutan ng tama o mali ang bawat pahayag.
________ 1. Makikinig ako sa utos o sasabihin ng aking mga guro at magulang.
________ 2. Babasahin ko nang mabuti at uunawain ang mga kwentong aking
babasahin.
________ 3. Tatandaan ko ang mga importanteng impormasyon para hindi ako
malilito.
________ 4. Bigyang-halaga ang damdamin o opinyon ng iba.
________ 5. Maging matulungin at mapagbigay sa mga nangangailangan.
PAGLALAHAT
Panuto: Punan ang mga patlang upang maging wasto ang diwa ng
pangungusap ayon sa nabasang/napakinggang kwento tungkol sa
“Ang Tipaklong at ang Paruparo”. Isulat ang letra ng may tamang
sagot.
A. Sino ang bumagsak at nawalan ng malay?
A. Tipaklong C. Langgam
B. Paruparo D. Ibon
B. Sino ang nagsabi na mamamatay na sa gutom ang kaniyang pamilya?
A. Tipaklong C. Ibon
B. Paruparo D. Langgam
C. Anong pagkain ang ibinahagi ni paruparo sa kanyang kaibigan?
A. palay C. prutas
B. nektar D. tinapay
D. Bakit uhaw na uhaw ang mga langgam pagdating sa bahay ni
paruparo?
A. Sila ay naghabulan. C. Sila ay gumala.
B. Sila ay nagpatintero. D. Sila ay nagmartsa.
E. Anong magandang katangian ang ipinakita ng mga hayop sa kwento?
A. Pagiging masayahin C. Pagiging makasarili
B. Pagiging matulungin D. Pagiging masunurin
PANAPOS NA PAGSUSULIT
SUSI SA PAGWAWASTO
PAUNANG
PAGSUBOK
1.
A
2.
A
3.
A
4.
C
5.
B
ARALIN
Suriin
mo:
1.
Ang
mga
tauhan
sa
kwento
ay
sina
tipaklong,
langgam,
paruparo,
at
doktor
na
langgam
2.
Si
tipaklong
ay
naaksindente
sa
kaniyang
paglipad
kaya
ito
bumagsak.
3.
Tumawag
si
langgam
ng
doktor
sa
kanilang
koloniya
upang
gamutin
si
tipaklong.
4.
Opo,
dahil
may
nangangailangan
ng
aking
tulong.
5.
Ang
pagtulong
sa
kapwa
ay
isang
mabuting
Gawain.
PAGSASANAY
Gawin
Mo:
A.
1.
Tipaklong
2.
Langgam
3.
Langgam
4.
Paruparo
5.
Paruparo
B.
1.
C
2.
A
3.
B
4.
B
5.
D
Subukin
Mo:
1.
A
2.
D
3.
C
4.
A
5.
A
PAGLALAHAT
1.
✓
2.
✓
3.✓
4.
X
5.✓
PAGPAPAHALAGA
1.
Tama
2.
Tama
3.Tama
4.
Tama
5.
Tama
PANAPOS
NA
PAGSUSULIT
1.
A
2.
D
3.
B
4.
D
5.
B
Sanggunian
Pinoy Collection. “Ang Daga at ang Leon.” Google, June 7, 2020
http://pinoycollection.com/ang-daga-at-ang-leon/
Philnews. “Maikling kwento-Si Maymay ay may Aso at Pusa.” Google, June
7, 2020
http://philnews.ph/2018/12/03/maikling-kwento-maymay-aso-pusa/
Villar, Emilio Paolo D. “Ang Tipaklong at ang Daga.” Google June 7, 2020
http://www.scribd.com/presentation/383001100/Ang-Tipaklong-at-Ang-
Paruparo
Wikipedia.”Pabula.” Google, June 7, 2020
http://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pabula

More Related Content

FIL6-Q1-M1.pdf

  • 2. Filipino – Ikaanim na Baitang Unang Markahan – Modyul 1: Nasasagot ang mga Tanong tungkol sa Napakinggang/Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-impormasyon at Usapan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may- akda. Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig. Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig Komite sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Sheena Joye S. Abuan Editor: Normita C. Supsupin Tagasuri: Normita C. Supsupin ( Nilalaman ), Vilma V. Paulino (Teknikal Tagaguhit: Sheena Joye S. Abuan Tagalapat: Sheena Joye S. Abuan Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin OIC-Schools Division Superintendent Aurelio G. Alfonso EdD OIC-Assistant Schools Division Superintendent Victor M. Javeña EdD Chief, School Governance and Operations Division and OIC-Chief, Curriculum Implementation Division Education Program Supervisors Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE) Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP) Bernard R. Balitao (AP/HUMSS) Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS) Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports) Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM) Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang) Perlita M. Ignacio PhD (EsP) Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE) Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
  • 3. Filipino Unang Markahan Modyul para sa Sariling Pagkatuto Nasasagot ang mga Tanong tungkol sa Napakinggang/Nabasang Pabula, Kuwento, Tekstong Pang-impormasyon at Usapan 6
  • 4. Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Modyul para sa araling nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan. Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
  • 5. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Filipino 6 Modyul ukol sa Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. MGA INAASAHAN Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul. PAUNANG PAGSUBOK Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa. BALIK-ARAL Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa. ARALIN Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto. MGA PAGSASANAY Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral. PAGLALAHAT Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-halaga. PAGPAPAHALAGA Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga. PANAPOS NA PAGSUSULIT Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
  • 6. Magandang araw! Sa modyul na ito’y, inaasahang masasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan. Nilalayon rin ng modyul na ito na lubos mong maunawaan ang aralin at masasagot nang wasto ang mga nakalaang katanungan o pagsasanay upang mas lalong maging ganap ang iyong pag- aaral sa araling ito. Ano, handa ka na ba? Kumusta ka na? Handa ka na ba sa ating bagong aralin? Bago tayo magsimula, mayroon akong ipababasa na maikling kwento tungkol kay daga at leon. Sana’y magustuhan at maunawaan mo ang kwentong ito. Ang Daga at ang Leon Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ito. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga. Nagpaumanhin ito at sinabing di sinasadya na gambalain ang pagtulog ng leon. Nakatuwaan lang na maglaro sa likuran ng leon at walang masamang hangarin. Nagmakaawa ang daga na huwag siyang kainin ng leon. Sa awa ng leon ay pinatawad niya ito. Lumipas ang maraming araw, at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. MGA INAASAHAN PAUNANG PAGSUBOK
  • 7. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng nangangaso sa kagubatan. Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad itong naputol at bumagsak ang lambat kasama ang leon. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat. Pinasalamatan ni leon ang kaibigang daga dahil sa pagligtas nito sa kanyang buhay. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. 1. Saan naglaro ang daga? A. Sa ibabaw ng natutulog na leon. B. Sa ibabaw ng malaking banga ng tubig. C. Sa malaking puno ng manga. D. Sa loob ng kwebang madilim. 2. Ano ang ginawa ng leon sa daga pagkagising? A. Sinakmal at hinawakan sa buntot na waring isusubo. B. Nag-away ng matindi. C. Nagkwentuhan D. Naglaro 3. Paano siya nito pinatawad? A. Humingi siya ng paumanhin at patawad kay leon. B. Nangakong itong hindi na magpapakita pang muli. C. Nagpakita ng masarap na pagkain si daga. D. Naglaban silang dalawa. 4. Paano nakatakas si leon sa pagkakabitag sa kanya? A. Pinakawalan siya ng mga mangangaso. B. Pinaikot-ikot niya ang kanyang sarili. C. Nginatngat ni daga ang lubid. D. Binaril ito ng mga tao sa gubat. 5. Kung ikaw si daga , gagawin mo din ba ang kanyang ginawa? A. Hindi po B. Opo C. Siguro po D. Hindi ko po alam
  • 8. Ano-anong uri ng kwento ang inyong naaalala? Alin sa mga kwento na inyong nabasa ang pinakapaborito mo? Bakit mo ito nagustuhan? Mayroon ka bang kwento na natatandaan na ang gumaganap ay ang mga hayop? Magbigay ka nga ng ilan sa mga pamagat ng kwento na iyong nabasa? Naaalala ninyo pa ba kung ano ang pabula? Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o mga bagay na walang buhay ay gumaganap na parang tao at nagbibigay ng aral para sa mambabasa. Sino-sino ang iyong mga kaibigan? Sino naman sa kanila ang itinuturing mong matalik mong kaibigan? Ilarawan siya. Paano mo naipapakita ang pagiging isang mabuting kaibigan? Ngayong araw ay may babasahin akong isang pabula na may pamagat na, “Ang Tipaklong at Ang Paruparo”. Bago ko basahin ang kwento, ano nga ang dapat nating tandaan habang tayo ay nakikinig sa binabasang kwento? Tama! Makinig ng mabuti at unawain ang pinapakinggang kwento. Magsulat din ng mga mahahalagang pangyayari na naganap sa kwento. Simulan ko na ang pagbabasa. ( Pagbasa ng guro ng isang maikling kwento) Ang Tipaklong at Ang Paruparo Isang araw, naaksidente sa paglipad ang tipaklong at ito ay bumagsak. Nawalan ito ng malay kaya’t agad siyang tinulungan ng paruparo nang makita siya nito. Ang langgam noon ay nagmamartsa pauwi kasama ang kanilang reyna at hari. Ang isa sa mga sundalong langgam ay tumawag sa kanilang kolonya ng doktor. BALIK-ARAL ARALIN
  • 9. Nang makita ng doktor na langgam si tipaklong ay sinabing hindi malubha ang kanyang kalagayan. Sana ay gumaling na ito sa ibinigay niyang lunas. Nang marinig iyon ng paruparo ay para itong nabunutan ng tinik. Hinintay niyang magising ang kaibigan na nawalan ng malay. Nang magbukas ang mga mata ng tipaklong, nagulat ito ng makita ang paruparo sa kanyang tabi na nagbabantay. Kinuwento ng paruparo ang lahat ng nangyari sa tipaklong at siya ay nagpasalamat. Tumanaw ito ng utang na loob lalo’t nagawa pa nitong tumawag ng manggagamot sa kanya. Naghapunan ang dalawa at nagpaalam sa isa’t-isa. Nangako ang dalawa na magkikitang muli. Nang pauwi na ang paruparo, nasalubong niya ang sundalong langgam na sumaklolo sa tipaklong. Sinabi ng langgam na mamamatay na sa gutom ang kaniyang pamilya. At dahil naramdaman ng paruparo na dapat matulungan niya ang langgam, dinala niya ito sa kanyang tahanan. Umupo naman ang langgam sa hapag kainan. Habang nasa kusina ang paruparo, binuksan niya ang kanyang lalagyan ng mga naipong nektar noong tag-araw. Ibinigay niya ito sa langgam. Tuwang-tuwa ang sundalong langgam at nakiusap itong buksan ang tsimineya para agad nang maluto ang nektar sa lalagayan at maging asukal. Ginamit rin ng sundalo ang telepono para tawagin ang iba pang langgam para may katulong ito sa pagdadala ng naluto pabalik ng kanilang kaharian. Nang makarating ang mga ito ay pinainom pa ng paruparo ang mga langgam na uhaw na uhaw sa pagmamartsa. Ang lahat ng langgam ay nagpasalamat nang buong puso kay paruparo. Suriin Mo: 1. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento? 2. Ano ang nangyari kay tipaklong? 3. Paano tumulong si langgam kay tipaklong? 4. Kung ikaw si paruparo, ibibigay mo ba ang nektar na iyong naipon? Bakit? 5. Anong aral ang napulot mo sa kwento?
  • 10. Napakahusay! Alam kong ikaw ay nakinig at naunawaan ang napakinggang kwento. Base sa mga nasagutan ninyong mga katanungan mula sa napakinggan ninyong pabula, ano-ano ang pamamaraan ang inyong ginawa para makasagot sa aking mga ibinigay na katanungan? Magaling! Talagang tunay kang nakikinig. Mayroon pa ba kayong mga katanungan? Kung talagang wala na kayong mga tanong, susubukin ko kung naunawaan ninyo ang mga naganap sa pabula na inyong napakinggan. Mayroon akong dalawang pagsasanay na ibibigay. Basahin nang mabuti ang panuto sa ibaba. Gawin Mo: A. Panuto: Tukuyin kung sino sa mga tauhan sa pabula ang nakagawa ng mga sumusunod pangyayari. Isulat sa patlang kung ito ay si paruparo, tipaklong o langgam. ________ 1. Aksidenteng bumagsak habang lumilipad. ________ 2. Nagmamartsa pauwi kasama ang kanilang hari at reyna. ________ 3. Doktor na gumamot kay paruparo. ________ 4. Nagbigay ng nektar kay langgam. ________ 5. Nagpainom sa mga sundalong nauuhaw. B. Panuto: Sagutan ang mga tanong ayon sa napakinggan ninyong kwento. Bilugan ang titik ng may tamang sagot. 1. Ano ang ginawa ng paruparo ng nakita nilang bumagsak at nawalan ng malay si tipaklong? A. Lumipad pauwi. C. Tinulungan at ginamot. B. Nagtatalon sa tuwa. D. Dinala sa ospital. MGA PAGSASANAY
  • 11. 2. Sino ang kasama ng langgam na nagmamartsa pauwi sa kanilang tahanan? A. Ang hari at reyna C. Ang kaibigang paruparo B. Ang mga kalaro D. Ang mga sundalo 3. Ano ang naramdaman ni langgam ng binigyan siya ng nektar? A. Naiyak B. Natuwa C. Nalungkot D. Natakot 4. Ano ang ginamit ng sundalong langgam para masabihan niya ang ibang kasamahan na tulungan siya sa pagdadala nilutong nektar? A. Nagpadala ng mensahe gamit ang ibon. B. Tinawagan niya ang kasama gamit ang telepono. C. Sumigaw ng pagkalakas-lakas. D. Gumamit ng mikropono. 5. Paano nagpasalamat ang mga langgam kay paruparo? A. Lumuhod C. Taimtim na nagdasal B. Naglinis ng bahay D. Buong-puso Subukin Mo: Panuto: Basahin ang maikling kwento at sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng may tamang sagot. Si Maymay at ang Kanyang Aso at Pusa Dahil nag-iisang anak, malapit sa mga hayop si Maymay. Mayroon siyang aso at pusa – sina Bruno at Kuting. Subalit, hindi alam ng bata na may tinatagong galit at inggit pala si Bruno kay Kuting. Isang araw, nadatnan na lang ni Maymay na maraming pasa si Kuting. Nagalit siya kay Bruno at pinarusahan ito. Ang pusa naman ay parang walang alam na may kasalanan rin siya. Sinuyo niya ang aso noong umalis ang bata at ang nanay niya. Mga Tanong: 1. Sino ang nag-iisang anak na may alagang aso at pusa? A.Maymay B. Mae C. Kuting D. Bruno 2. Ano ang pangalan ng alaga niyang aso? A. Kitty B. Kuting C. Tagpi D. Bruno
  • 12. PAGPAPAHALAGA 3. Sino ang may itinatagong galit at inggit kay Kuting? A. Maymay B. Nanay C. Bruno D. Tatay 4. Bakit nagalit si Maymay kay Bruno? A. Maraming pasa si Kuting C. Lumabas siya ng bahay B. Kinain niya ang ulam sa mesa D. Umihi sa sahig 5. Tama ba na suyuin ni si Bruno dahil ito ay naparusahan? A. Oo B. Hindi C. Di alam D. Hahayaan na lang Paano natin masasagutan ang mga tanong tungkol sa napakinggang/nabasang pabula, kuwento, tekstong pang-impormasyon at usapan. Lagyan ng ✓ kung tama at X kung hindi. 1. Tandaan ang mga importanteng detalye sa kwento 2. Ang wastong pakikinig at pagbasa ng kwento ay makakatulong sa pagkaunawa nito. 3. Mainam na alamin ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa bawat pabula o teksto. 4. Hindi kailangang tandaan ang mga tauhan sa kwento. 5. Bigyan ng halaga ang mga aral na natutunan at mga impormasyong nabasa o napakinggan. Panuto: Sagutan ng tama o mali ang bawat pahayag. ________ 1. Makikinig ako sa utos o sasabihin ng aking mga guro at magulang. ________ 2. Babasahin ko nang mabuti at uunawain ang mga kwentong aking babasahin. ________ 3. Tatandaan ko ang mga importanteng impormasyon para hindi ako malilito. ________ 4. Bigyang-halaga ang damdamin o opinyon ng iba. ________ 5. Maging matulungin at mapagbigay sa mga nangangailangan. PAGLALAHAT
  • 13. Panuto: Punan ang mga patlang upang maging wasto ang diwa ng pangungusap ayon sa nabasang/napakinggang kwento tungkol sa “Ang Tipaklong at ang Paruparo”. Isulat ang letra ng may tamang sagot. A. Sino ang bumagsak at nawalan ng malay? A. Tipaklong C. Langgam B. Paruparo D. Ibon B. Sino ang nagsabi na mamamatay na sa gutom ang kaniyang pamilya? A. Tipaklong C. Ibon B. Paruparo D. Langgam C. Anong pagkain ang ibinahagi ni paruparo sa kanyang kaibigan? A. palay C. prutas B. nektar D. tinapay D. Bakit uhaw na uhaw ang mga langgam pagdating sa bahay ni paruparo? A. Sila ay naghabulan. C. Sila ay gumala. B. Sila ay nagpatintero. D. Sila ay nagmartsa. E. Anong magandang katangian ang ipinakita ng mga hayop sa kwento? A. Pagiging masayahin C. Pagiging makasarili B. Pagiging matulungin D. Pagiging masunurin PANAPOS NA PAGSUSULIT
  • 15. Sanggunian Pinoy Collection. “Ang Daga at ang Leon.” Google, June 7, 2020 http://pinoycollection.com/ang-daga-at-ang-leon/ Philnews. “Maikling kwento-Si Maymay ay may Aso at Pusa.” Google, June 7, 2020 http://philnews.ph/2018/12/03/maikling-kwento-maymay-aso-pusa/ Villar, Emilio Paolo D. “Ang Tipaklong at ang Daga.” Google June 7, 2020 http://www.scribd.com/presentation/383001100/Ang-Tipaklong-at-Ang- Paruparo Wikipedia.”Pabula.” Google, June 7, 2020 http://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pabula