SlideShare a Scribd company logo
angsugnay-170620031347.pptx
HALIMBAWA:
1.Humiram si Kris ng lapis para
sa pagbuo ng tula.
2.Nang kami ay umakyat sa Bundok
Ifugao.
3.Na umakyat sa bundok.
angsugnay-170620031347.pptx
A. Sugnay na Makapag-iisa
May paksa at panaguri na buo ang
diwang ipinapahayag. Ito ay tinatawag
ding punong sugnay.
HALIMBAWA:
1.Nakasulat si Zanjoe ng isang mainam
na sulatin.
2.Ang kanyang ama ay isang guro.
3.Si Jane ay isang huwarang asawa.
B. Sugnay na di-makapag-iisa
May paksa at may panaguri subalit
di-buo ang diwang ipinahahayag.
HALIMBAWA:
1. Nang kami ay lumuwas ng Maynila
2. Kung darating sila
3. Na umalis kami sa burol
4. Nang mahulog ang bata sa puno
5. Nang bumagtas kami sa liku-likong
daan.
Ang sugnay na di-makapag-iisa ay maaaring
gumamit ng mga salitang nang, kung, sapagkat,
kapag, pag, may mga pangatnig at mga pang-
angkop na, -ng at gayundin na pawang mga
panghalip pamanggit (relative pronoun) bilang
paksa ng sugnay na di makapag-iisa.
angsugnay-170620031347.pptx
A. PANGNGALAN
Angsugnaynadi-makapag-iisaaynasapangngalang
gamit kapagpaksangpangungusap.
HALIMBAWA:
1. Hindi koalamkungbakit silanawawala.
2. Kapagdi kanaglubayaylalokangiiyak.
3. Kungwalakangtiyagaaydi kamagtatagumpay.
B. PANG-URI
Pang-uri angsugnaykapagangsugnaynadi makapag-iisaay
panuringngpangngalannapinangungunahanngpanghalipng
pamanggitna
na,-ngkungmatutumbasansaInglesngmgasalitang“who,
whichandthat”
HALIMBAWA:
1. Ang Banaue Rice T
erraces na binagtas nila
ay napakaganda.
2. Anglalaking dumalawsakanilaaykasinatahanni Kris.
3. Angdahongnalaglag sapunoaytinangay nghangin.
C. PANG-ABAY
Nagigingpang-abayangsugnaykapagangsugnay
nadi-makapag-iisaaypanuringngpandiwa, pang-uri
opang-abay
.
HALIMBAWA:
1. Kamiaytitiwalag nakungsila aysasanibsaatin.
2. Angbata ay malungkot kapag wala ang kanyang
ina.
3. Sila ayaalisbukaskungnakabili nasilangticket.
angsugnay-170620031347.pptx
DALAWANG URI NG
PANGUNGUSAP
1. Di-predikatibong pangungusap - ang salita
o lipon ng mga salita na walang simuno o
panguri ngunit buo ang diwa.
2. Predikatibong pahayag o pangungusap -
ito ay may paksa at panaguri.
Ang pag-aaral ng pagbuo ng mga
pangungusap ay tinatawag na sintaks.
URI NG DI-
PREDIKATIBONG
PANGUNGUSAP
1. Sambitlangpanawag
Ito ay ang mga sambitlang salita na
ginagamit bilang pantawag sa tao.
Halimbawa:
Kuya! July!
2. Padamdam
Ang mga pahayag na nagsasaad ng
damdamin.
Halimbawa:
Naku po! Aray ko !
3. Pantawag
Ito ay ginagamit sa pagtawag.
Halimbawa:
Kuwan! Hoy!
4. Pautos
Ginagamit sa pag-uutos.
Halimbawa:
Takbo! Alis diyan!
5. Pangkalikasan/Penominal
Ito ay mga pangyayaring pangkalikasan na
nagsasaad ng kalagayan ng panahon dulot
ng tao.
Halimabawa:
Umuulan. Lumilindol.
6. Panagot sa Tanong
Ito ay mga pahayag na ginagamit bilang
panagot sa mga tanong.
Halimbawa:
Opo. Ayaw ko.
7. Panahon
Ito ang mga pahayag na nagsasaad ng
panahon.
Halimbawa:
Mamaya na. Sa makalawa.
8. Pagbati/Pormularyo Panlipunan
Ito ang mga pahayag o katagang ginagamit
sa pagbati.
Halimbawa:
Magandang umaga po.
Kamusta ka?
9. Pagpapaalam
Ito ang mga pangungusap na ginagamit sa
pagpapaalam.
Halimbawa:
Paalam po.
Tuloy na po ako.
10. Pamuling Tanong
Ang pangungusap na ito ay ginagamit kung
gusto mong ulitin ng inyong kausap ang
kanyang sinasabi.
Halimbawa:
Ano ika mo?
Saan nga ba?
11. Pakiusap
Ginagamit ang mga pangungusap na ito
ginagamit kung nakikiusap.
Halimbawa:
Maaari ba?
Sige na.
12. Pampook
Ang pangungusap na ito ay ginagamit bilang
sagot sa mga tanong kung saan.
Halimbawa:
Sa RTU.
(Sagot sa tanong na Saan ka nag-aaral? )
Sa Baguio.
(Sagot sa tanong na Saan ka pupunta.)
13. Eksistensyal
Ang pangungusap na ito ay nagsasaad ng
pagkamayroon o pagkawala.
Halimbawa:
May tao pa!
Wala na.
Salamat sa pakikinig 

More Related Content

angsugnay-170620031347.pptx